Kailangan mo i-confirm ang iyong account bago ka makapag-login sa iyong Cast LMS.

1. Pumunta sa Inbox ng iyong email account at hanapin ang Confirmation Instructions email mula sa [email protected]. Maaari mong i-search ang [email protected] gamit ang search bar para madali itong mahanap.

Kung wala ang email na ito sa iyong Inbox, maaari mo ring hanapin ito sa Spam.

Kung wala sa Inbox at Spam ang Confirmation Instructions email, basahin ang article na ito para malaman kung paano i-send ito sa iyong email address: https://support.castlms.com/help/wala-akong-natanggap-na-confirmation-email-ano-ang-gagawin-ko 

2. I-click ang “Confirm my account” o “I-confirm ang aking account” na link sa loob ng email.

3. Dadalhin ka nito sa isang bagong tab kung saan nakalagay kung naging matagumpay ang pag-confirm ng iyong account. 

4. Maaari ka na ring mag-login sa iyong learner’s portal mula dito gamit ang iyong email address at default password.